Saturday, July 02, 2005

wabshu!!

ayan nanaman ang hagupit ng tadhana

pilit binibigyan ng panibagong pasumala

ako naman, isang tangang hindi na natuto

hindi na nadala sa pagkapaso ng puso

mahirap pigilin ang sinasabi ng damdamin

kahit peligroso'y kayang kayang hamakin

walang pakielam dalin man sa panganyaya

gagawin ang lahat para lang sa kursunada

ewan ko nga ba kung ba't ako nagkakaganito

alam ko naman sa una palang ay hindi nya ko gusto

puso nya'y dati nang may nagmamayari

ayoko nang malaman nya't baka ano pang mangyari

kay hirap magmahal ng may mahal na iba

nakakalungkot isiping hindi ikaw ang gusto nya

kahit na magpakapuyat kapa't mata mo'y nagngalumata

wala kanang magagawa kundi tignan lang sya

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

How sad naman po. Hope you will tell her how you feel. =)

11:36 PM  

Post a Comment

<< Home