for the loveliest girl i ever met, my wife, Erika
Lapis at Papel
Kung itatanong mo kung gaano
kita kamahal,sasabihin ko sa'yo..
Tulad ng Pagsasama ang Lapis at Papel,
na mula sa kawalan ay nakabubuo
ng napakaraming kabuluhan.
Ako ang Lapis at ikaw ang Papel!Susulatan kita
ng lahat ng aking pangarap,
mga kwentong masaya at nakakaiyak,
guguhit din ako ng mga larawang makulay.
Mula doon ay magsisismula ang ating daigdig
ang buhay na pagsasaluhan natin..
at hanggang may espasyo pa'ko
sa mapag-aruga mong papel.
Ngayon,
ay kung magsawa ka na
at ayaw mo na kong makasama,
wag kang mag-alala,
dahan-dahan kitang itutupi
upang maging isang eroplanong papel!
sabay papaliparin sa hangin
sa ilalim na malawak na langit.
Mula sa itaas makikita mo marahil
ang ibang mundo,
mundong mula noong magkasama pa tayo.
Kasama ng 'yong pagiging malaya
ang pagpili kung saan mo gustong lumapag.
nandito lang ako at masayang nananalangin
na sana higit kaysa sa akin
ang mapuntahan mo..
At kung malalaglag ka sa lupa
at walang sinumang pumapansin
dahil hindi ka na sing ganda at tayog
'nong nasa taas ka pang lumilipad.
Kung ang lahat ng inaaasahan mong pupulot
sa'yo ay dinadaan-daanan ka lang,
kasabay ng paglubog at pagsikat ng araw..
Doon,doon ako darating upang kunin ka
at muling ialok ang mundong binuo ko
para sa'yo..
iaayos ko at papantayin ang mg tupi at nalukot
mong bahagi nung eroplano ka pa!!
Ibabalik kita bilang isang papel
at ako pa rin ang lapis
na wlang sawang susulat sa'yo
at magiging kasama mo
habangbuhay..
Pag naging totoo na ang mga bagay
na hindi natin inaasahan
saka mo ko tanungin kung
gaano kita kamahal..

4 Comments:
OMG nag b-blog ka? I never thought na you were the type. :)
Anyway I was just checking my YM to see if HE (who else diba?) left me any offline messages, and I saw the link to your blog. Ingat parate.

ganda ng poem.. :) ur wife must have liked it.
Post a Comment
<< Home